The Extracurricular Being

 
 
Tala ng may-akda: Isinulat ko ang sanaysay na ito noong 2008.  Ang sanaysay na ito ang nagdala sa akin sa kauna-unahang iWitness Documentary Seminar na ginanap noong taong ding iyon.  Muli kong ipinapaskil dito ang nasabing sanaysay na ito sapagkat walang dudang si Andres Bonifacio ang pinakadakilang kakaibang edukado (o "differently educated" sa wikang Ingles) sa kasaysayan ng ating bayan.
Maraming beses ko nang ginamit ang pangalang Emperor Magdiwang.  Bukod sa ito ang ipinangalan ko sa lahat ng mga email accounts ko, nagamit ko na rin ito bilang pen name noong mga taong madalas akong umakda ng mga tula.  Nagamit ko na rin ito bilang stage name noong ako ay naging bokalista ng isang banda noong 2004.  At kapag naging artista ako, ito rin ang gagamitin kong screen name.  Malay natin, ‘di ba?
 
Sa unang tingin, ang pagpili ko ng isang pseudonym ay tila upang magtunog astig ‘ika nga.  Ngunit may mas malalim itong kahulugan.
 
Nakakalungkot isiping habang humahakot ng pansin ang aking unang ngalang “Emperor” ay siya namang kawalang interes ang inabot ng aking piniling apelyidong “Magdiwang” na siyang mas masarap talakayin.  Sa usapin ng pinagmulan ng aking pseudonym, sa mga lumipas na taon ang mga tanong na natanggap ko ay puro patungkol sa aking unang ngalang “Emperor”.
 
Hindi ko na tatalakayin ang pinagmulan ng aking unang ngalang “Emperor” dahil bukod sa isa itong mahabang salaysayin, ang aking apelyidong “Magdiwang” ay mas nagtataglay ng tunay na saysay at kasaysayan.
Picture
Bandila ng Paksyon ng Magdiwang. I-click ang larawan upang magtungo sa pinanggalingang pahina.
Ang aking apelyidong “Magdiwang” ay hango sa isa sa mga paksyon ng Katipunan.  Ang Magdiwang ay ang paksyong kinaaaniban ni Andres Bonifacio, samantalang ang kabilang paksyon naman ay ang Magdalo na kinaaaniban naman ni Emilio Aguinaldo.
Picture
Bandila ng Paksyon ng Magdalo. I-click ang larawan upang magtungo sa pinanggalingang pahina.
Aaminin kong dati ay wala talaga akong pakialam tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.  Hanggang sa nabanggit sa akin ng isa sa aking mga guro na si Bonifacio ay ipinapatay daw ‘di umano ni Aguinaldo.
 
Agad kong naitanong, “Kung ganoon, bakit itinuturing na bayani si Aguinaldo?”
 
Nagsaliksik ako upang malaman ko ang buong katotohanan.  Bukod sa pagkakapaslang kay Bonifacio, natuklasan ko rin ang tungkol sa mga paksyon ng Magdiwang at Magdalo at ang alitan sa pagitan nila.  Kahit kailan ay hindi ito nabanggit sa mga klase namin sa kasaysayan ng Pilipinas.  Natuklasan ko rin ang iba pang mga ‘di umano’y kataksilang ginawa ni Aguinaldo, partikular ang Kasunduan sa Biak na Bato at ang pagkakapatay kay Antonio Luna.

Lalong lumakas ang aking tanong, “Paano naging bayani si Aguinaldo?”

Habang lumalaki ako, lalong lumalakas ang nasabing tanong.  Naging masakit ito para sa akin, lalo pa’t laging itinuturo sa mga paaralan na si Aguinaldo raw ang unang pangulo ng Pilipinas at tagapagtatag ng unang republika sa Asya.  Masakit sa aking isiping ang aking lupang tinubuan ay naitatag ng pagtataksil at pagkaganid sa kapangyarihan.

Mas naging mahirap sa akin ito nang mag-aral ako sa UP Los Baños, kung saan ang mga estudyante ay kilala sa pagmamahal sa bansang Pilipinas.  Ngunit minsan ay nasabi ko sa isang kaklase at malapit na kaibigan, “Bakit ko iibigin ang isang bansang itinatag ng isang kawatan?”

At madalas naitatanong, ”Bakit ganito natin binabasa ang ating kasaysayan?”

Sa mga nababahagian ko ng mga tanong na ito, karamihan sa kanila ay walang sapat na interes upang pag-usapan ang nasabing paksa.  Wala silang pakialam.

Sa paglipas ng panahon, nanindigan na akong ang ating unang hakbang tungong kasarinlan ay isang malaking pagkakamali.  Bilang isang taong lumaki sa bansang ito, labis akong nahiya sa kasaysayan ng aking sariling bayan.

At mula noon ay ikinabit ko na ang “Magdiwang” sa aking pseudonym bilang apelyido.

Ginawa kong apelyido ang “Magdiwang” sapagkat ang apelyido ay tumutukoy sa angkang pinagmulan ng isang tao.  Ito ang lahing nananalaytay sa kanyang dugo.  At kung ako ang tatanungin, nais kong dumaloy sa aking mga ugat ang mga adhikain ng paksyon ng Magdiwang.

Lumikha ako ng sariling pananaw: si Andres Bonifacio ang unang pangulo ng Pilipinas, hindi si Emilio Aguinaldo.  Sa ganitong paraan kahit paano ay naibsan ang hiyang naramdaman ko sa ating kasaysayan.
 
Ngunit mahirap ihayag sariling paninindigan kung ito ay napapangibabawan ng mga pamantayan ng iyong kapaligiran.  Ilan sa mga ito ay ang pagkakapangalan ng punong kampo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas kay Aguinaldo (Camp Aguinaldo), ang mismong pambansang awit natin ay ang opisyal na piyesang pangmartsa ng paksyon ng Magdalo na nilapatan lamang ng mga titik (ang orihinal na pamagat ng nasabing piyesa ay Marcha Filipina Magdalo), at ang pag-usbong ni Antonio Trillanes at ng kanyang pangkat na Magdalo (at nahalal pa si Trillanes bilang isang senador).
Picture
Si Antonio Trillanes IV (pinakaharap, bandang kanan) kasama ang kanyang pangkat na Magdalo. I-click ang larawan upang magtungo sa pinangalingang pahina.
Naramdaman ko tuloy na tila wala akong sapat na kakampi sa aking adhikain.  Oo nga’t may mangilan-ngilan akong mga nakikilalang kabahagi ko sa ganitong pananaw, ngunit paano namin itatama ang napakaraming mga text book?  Paano namin sasabihin sa Bangko Sentral ng Pilipinas na hindi dapat ilagay ang mukha ni Aguinaldo sa limang piso dahil mukha lamang ng bayani ang inilalagay sa pera at hindi mukha ng isang traydor?  Kung ihahayag namin ang aming pananaw na si Andres Bonifacio ang kinikilala naming unang pangulo ng ating bansa, may makikinig ba?

Minsan ko nang inisip na bigo na ako sa aking adhikain, ngunit nang ipalabas ng i-Witness ang dokumentaryong “Si Lolo Andres: Unang Pangulo?”, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib dahil sa wakas ay naibahagi sa mga manonood ang tunay na Andres Bonifacio.  Sistematikong inilahad ng i-Witness ang mga pag-aaral na nagpapatunay na si Andres Bonifacio nga talaga ang unang pangulo ng ating bansa.  At taglay ang pambihirang giting, mahusay na inilahad ng i-Witness ang pagkakapatay sa kanya at sa kanyang kapatid na si Procopio.  Nabanggit din ang isang pag-aaral tungkol sa umano’y dayaan sa halalan sa Tejeros, kung saan si Aguinaldo ay naging pangulo.
May mga bago rin akong natutunan sa nasabing dokumentaryo, tulad ng pagtawag ni Bonifacio sa ating bansa bilang Katagalugan sa halip na Pilipinas, Filipinas, o Philippines na hango sa pangalan ng hari ng Espanya na si Phillip II.  Bakit nga ba natin ipapangalan ang ating bansa sa hari ng ating mananakop?
 
Ikinagalak ko nang maipalabas sa pambansang telebisyon ang nasabing dokumentaryo.  Ikinatutuwa kong ang i-Witness ay naglakas loob na bigyang linaw ang ating kasaysayan.  Hindi nakuntento ang i-Witness na bulag na lamang na sumunod sa mga nakasanayang pamantayan, bagkus kanilang ginamit ang kanilang kasanayan sa pananaliksik at pamamahayag upang ang katotohanan ay maibahagi sa mga manonood.
 
Nakakatuwang isiping bukod sa pakiramdam ko’y nagkaroon ako ng kakampi sa aking pananaw, sa pamamagitan ng dokumentaryong “Si Lolo Andres: Unang Pangulo?” nagkaroon ako ng mas malalim na pagkakaunawa hindi lamang sa ating kasaysayan kundi sa aking sarili.  Higit kong naunawaan ang pinili kong landas na nakapaloob sa apelyidong “Magdiwang”.
 
Hindi ko alam kung maaabutan ko pa ang panahong sina Bonifacio at Aguinaldo ay mailalagay sa kanilang mga tamang lugar sa kasaysayan at sa wakas ay maiwawasto na ang pagkakasulat ng mga kahapon ng ating bansa.
 
Ngunit sa wakas ay may nagtanong din sa akin, “Nell, ‘di ba Emperor Magdiwang ang name mo sa Yahoo?  Maka-Bonifacio ka ba?  Kasi maka-Bonifacio rin ako eh.”
4/7/2010 08:19:13 pm

Umpisa pa lang ipinakita na ng mga mapangharing uri ang pagkagahaman nila sa kapangyarihan at kayamanan. Kay Ka Andres nag nagsimula ang nakawan ng pamunuan. Si Bonifacio ang naghirap... si Bonifacio ang nagpalagablab ng labang higit sa tatlong daang taong hindi nila maumpisahan... pagkatapos ano? Para sa akin si ka Andres ang tunay na kaunaunahang presidente ng republika ng Pilipinas at si Aguinaldo ang unang magnanakaw ng kapayarihan...na sinundan naman ng marami pang ka-uri nyang duwag at mapagsamantala.

Reply
4/8/2010 05:56:51 am

Tama ka kapatid. Lubos akong sumasang-ayon!

Reply
8/10/2010 10:21:03 am

If I had a single flower for every time I think about you, I could walk forever in my garden.

Reply
jomar
8/27/2010 08:34:31 pm

..................bakt ba hndi xia tnurng na bayani?

Reply
9/14/2010 11:28:13 am

Knowledge and talent come only from practice.

Reply
10/20/2010 06:29:32 pm

Wonderful! I can't agree with you more. I benefit a lot from your blog. Very thanks! Have a good day.

Reply
10/21/2010 07:09:48 pm

Laugh more dissolve the trouble of the life, More happy to wash the fatigue, Work, More tolerant understanding others, And more optimistic face life setbacks,! More happy life. Desalination.

Reply
10/31/2010 05:50:26 pm

At New Year and always, may peace and love fill your heart, beauty fill your world, and contentment and joy fill your days

Reply
10/31/2010 06:25:47 pm

We wish you health, happiness, and prosperity!

Reply
11/3/2010 01:49:35 pm

busy work,busy life!

Reply



Leave a Reply.