The Extracurricular Being

 
 
Una sa lahat, maraming maraming salamat sa mga sumusubaybay dito sa The Extracurricular Being.  Marami na po kayong mga nagbabasa nitong blog ko, at labis ko po iyong ikinatutuwa.

At siyempre, pasensya na po kung may katagalan na rin akong hindi nagsusulat ng bagong artikulo dito sa The Extracurricular Being.   Opo, medyo abala rin ako nitong mga nagdaang araw.  Huwag kayong mag-alala, siyempre ikukuwento ko.
Picture
Entrance ng UPLB. I-click ang larawan upang magtungo sa pinagmulang pahina.
Nitong nagdaang Biyernes, nagtungo ako sa UP Los Banos para asikasuhin ang mga papeles ko.  Babalik kasi ako sa pag-aaral, pero via distance learning.  'Yun 'yung tipo ng pag-aaral naa hindi mo kelangang pumasok sa klase araw-araw, bagkus ay module-based ito o 'di kaya ay online.

So 'yun.  Siyempre para makabalik ako sa pag-aaral kelangan lakarin ko mga papeles ko.  Aba may utang pa pala ako sa UPLB since year 2000.  Hayun, after 10 years nabayaran ko rin!  Isipin niyo, kung noon ay mas mura talaga ang tuition fee sa UP (mahal na pag umabot ng anim o pitong libo), naglo-loan pa rin ako kasi hirap ako bayaran, ngayon pa kaya na nuknukan na ng mahal!?  Gaano na kamahal?  Mamaya natin tatalakayin 'yan.

Napapirmahan ko na sa college secretary namin 'yung mga papeles ko, sumunod naman 'yung director ng Office of Student Affairs, tapos 'yung Vice Chancellor for Instruction.  Ayos, isang pirma na lang ang kelangan, at 'yun ay ang pirma ng registrar.  Pero wala raw 'yung registrar, nasa seminar daw.  Oh hindeh!  Sumala pa!  Isang dighay na lang lalarga na eh.  Balikan ko na lang daw sa susunod na linggo.  So VL na naman 'yun!

Wala talaga eh.  Diskaril talaga eh.  Pero maaga pa naman, so pumunta ako sa bagong campus ng UP Open University sa Los Banos din.  
Picture
Istatwa ng Oblasyon sa UPOU. I-click ang larawan upang magtungo sa pinagmulang pahina.
Aaminin kong mahal ko pa rin talaga ang UP, so kung kaya ko naman ang matrikula ng distance education sa UP, eh 'di sa UPOU na ako mag-eenroll.  BA Multimedia Studies ang inisip kong kursong malamang na kunin ko sa UPOU.

Tinanong ko agad kung ang tuition fee rates ba na babayaran ko ay 'yung old rate o new rate.  Aba sabi nila new rate daw!  Eh Php 1,500 kada unit 'yun, so kung 15 units tumagatinting na Php 22,500 kada sem 'yun!  Wala pang miscellaneous fee 'yun ah!

Nampotah naman!  Iniisip ko, anlaki ng binabayad kong tax.  Nitong nakaraan lang, aba anim na libo ang tax ko!  Mabigat 'yun ah!  Kung iipunin ko 'yun, may sapat nakong pambayad ng tuition ko sa UPOU.  So iniisip ko, sa laki ng binabayad kong tax, aba may karapatan pa nga akong mag-demand na dapat nga libre na tuition ko eh.  Do the Math mga pare: kung anim na libo kada buwan at limang buwan kada sem, ibig sabihin kada sem ay Php 30K ang tax ko, sobra-sobra nang pambayad ng tuition ko!  Pero wala, magbabayad pa rin ako ng hebigat na tuition fee para makapag-aral sa UPOU.  Nyeta, saan ba napunta ang tax ko!?

So 'yun mga pare.  Nung umalis ako sa UPOU, mura ako nang mura pauwi.

Lalakarin ko pa rin ang mga papeles ko nang maklaro nako sa UP Los Banos.  Malay natin, baka makasikwat ako ng scholarship.

Pero kahit hindi tayo makasungkit ng scholarship, karapatan pa rin nating makapag-aral ng "libre" dahil hindi naman nila ginagawang "libre" ang pagiging Pilipino.  Nagbabayad tayo ng tax, at ang totoo niyan sa ganoong paraan binabayaran natin ang karapatan natin sa edukasyon, so tama lang na makuha natin pabalik 'yung pera natin sa pamamagitan ng edukasyong menos gastos dahil nada matrikula.
dyen
4/17/2010 03:28:43 pm

oo pare,,kaya nga parang kalokohan lang mag aral uli e,,tinatamad lang ako kung iisipin ko mga dadaanan ko (at syempre yung gagastusin,ampota!) samantalang dati,ang dali db,enlist ka lang ipaasses mo,,tapos bahala na estipap,ampucha kahit ginawa akong bracket 6 nung last sem ko,,mas ok na yun kesa trenta mil kada sem ngayon,hayy!pero pare gudlak sa pagbabalik skul mo,,ol da best!

Reply
5/4/2010 06:51:21 pm

^^ Thanks. Oonga ang mahal na sa UP eh. Siguro kaya ko na saka ako mag-aaral ulit sa UP, just to repay my dear alma mater ika nga.

Reply
8/9/2010 01:46:12 pm

Love ,promised between the fingers
Finger rift,twisted in the love

Reply
8/13/2010 05:10:09 pm

Every man hath his weak side.

Reply
8/15/2010 10:20:52 am

Grasp all, lose all.

Reply
10/5/2010 12:20:28 pm

Truth is beautiful. Without doubt; and so are lies.

Reply
10/21/2010 06:55:57 pm

Laugh more dissolve the trouble of the life, More happy to wash the fatigue, Work, More tolerant understanding others, And more optimistic face life setbacks,! More happy life. Desalination.

Reply



Leave a Reply.