The Extracurricular Being

 
 
Bago ang lahat, nais kong linawing hindi ako sang-ayon sa bansag na "artista" sa mga aktor at aktres sa showbiz.  Dahil ang salitang "artista" ay "artist" sa wikang Ingles, kung gayon ang salitang "artista" ay nangangahulugang alagad ng sining.  Bagama't may mga aktor at aktres namang marunong gumanap, umawit at sumayaw, hindi ako naniniwalang makasining ang pagkaway-kaway at pagpapa-cute ng ilang mga kasapi ng industriya ng showbiz na wala namang mga talento.  Pero para sa swabeng ikatatakbo ng ating talakayan, siya sige tawagin pa rin natin silang mga "artista".  Leche.

Bueno, heto na tayo.  Welcome to the Philippines, ang bansa kung saan ang mga papampam na mga artista ay ang TUNAY na ruling class.  Wala akong pakialam kung may ibang mga political analysts kuno na tutuligsa at sasabihing ang mga naghaharing uri ay ang mga panginoong maylupang tulad ng mga Conjuangco, mga burgesya kumprador tulad nina Henry Sy at Lucio Tan, at mga pulitikong tulad ng inyong pinakamamahal na si GMA.  'Yung bagay na si Keanna Reeves ay kaya magpakabobo at magpakapokpok ngunit hindi 'yun magawa ni Gloria, that makes the showbiz people the TRUE ruling class here in Pinas!  Intiendes!?

Nakakatawa talaga kayong mga artista, mag-eemote kahit hindi naman marunong umarte, kakanta kahit pangit naman ang boses, sasayaw kahit matigas pa sa marmol ang katawan, nagpupumilit maging host kahit bulol, anlakas mag-effort makipagpalitan ng komentaryo sa mga tunay na broadcast journalists kahit wala namang laman ang mga pinagsasasabi, natuto lang magbasa ng Bibliya naging pastor na kahit wala namang alam sa biblical hermeneutics and homilitics, at higit sa lahat ay tatakbo sa pulitika kapag palubog na ang career.

Lakas ng fighting spirit ah.  Mala-demonyo.
Picture
Mugshot of Erap. Click photo to view source.
Nagluklok pa kayo ng presidente.  Isang presidenteng turaw-turaw na sa loob ng mahigit kumulang tatlong taon ay walang nagawa at ginawa kundi ang magpalaki ng tiyan at net worth.  At may apog pang tumakbo ulit kahit sentensyado na sa kasong plunder.  In short, kriminal na kumakandidato pa.  Tapos ipangangalandakan niya na nung panahon niya pinakamalaki daw ang budget sa education at pinakatahimik daw sa Mindanao?  Eh paano niya ipapaliwanag 'yung katotohanang nagkandalabo-labo ang mga academic loads ng mga estudyante sa UP dahil sa sunod-sunod na budget cuts na pinatupad nya sa education budget?  Paano niya ipapaliwanag 'yung pambabastos niya sa mga kapatid nating Muslim noong siya, kasama ang kanyang mga chuwariwariwap sa militar, ay pumasok sa isang moske suot ang kanilang mga mapuputik na sapatos at nag-inuman... at lechong baboy pa ang pulutan!?

Sandamakmak talaga kayong mga sinungaling at plastic.

Picture
Banner of AMS. Click photo to view source.
At ngayon, gagamitin pa ninyo ang sistema ng party-list representation sa Kongreso.  Ano na namang pakulo ito?  Alyansa ng Media at Showbiz?

Aba kelan pa naging marginalized sector ang mga taga-showbiz, lalo na ang mga artista?  Kung tutuusin overrepresented na nga kayong mga artista eh. 

Sabi nga sa artikulong ito sa Philippine Daily Inquirer, hindi na bago ang pagsasanib ng showbiz at pulitika.  Subukan kaya nating bilangin kung ilang mga personalidad nang galing sa showbiz at media ang naging senador.  Andami na diba?  Ngayon, sa dami nilang naupo na sa Senado at may tig-isa pang naging presidente at bise-presidente, masasabi pa rin ba ng sinumang nasa katinuan na "marginalized sector" ang mga taga-media at showbiz?

Ibang klase rin kayong mga artista noh.  Ibang level na talaga ang katarantaduhan niyo.  Mga artista, marginalized?  Ulol!  Ano ito, gaguhan?  

Ang totoo nga niyan, mas "marginalized" pa ang mga pulitiko eh.  Gusto niyo patunayan ko?

'Yang pagiging mga haliparot ng marami sa inyo, 'yang pagkakaroon ng maraming asawa, aba kapag pulitiko ang gumagawa ang taumbayan marunong pang magalit.  Pero pag kayong mga artista ang gumagawa, ang sasabihin ng mga istupido niyong fans "ganun talaga".  May mga pulitiko kahit anong sipag nila, masama ang tingin ng tao sa kanila, sasabihin mga wala silang ginawa.  Pero kayong mga artista, kahit wala naman talaga kayong ginagawang nakakatuwa, konting kaway at konting ngiti hayun pinapanood kayo ng mga panatiko ninyong bobo.  At higit sa lahat, lahat kami dito sa Pilipinas (kasama ang mga pulitiko at lalong lalo na kaming mga kakaibang edukado o differently educated), aba parang anlaking kasalanan namin kapag hindi kami nakatapos ng kolehiyo, pero kayong mga artista kahit na pabayaan niyo ang pag-aaral niyo para maghubad at magpakandatowad-towad sa harap ng kamera hala sege oks lang!  Artista kayo eh.  Sa madaling sabi, may pinapairal ang lipunan na sangkaterbang mga double standard na pabor sa inyo.  Ngayon, katangian ba 'yan ng isang "maginalized sector"?  Hindi kaya sa totoo lang ay "privileged sector" pa nga kayo?

Tapos may tigas kayo ng mukha na sumungkit ng puwesto sa Kongreso gamit ang sistema ng party list?

O sha sige, alam ko may argumento de mokong kayong tumatakbo kayo upang isulong ang kapakanan ng mga sinasabi niyong "unsung workers and little people" ng industriya ninyong bulok.  Puwes, eh 'di mag-nominate kayo ng mga tunay na "unsung workers and little people" tulad ng mga cameraman at PA's, hindi 'yung katulad nina Leo Martinez, Romy Suzara at Manny Calayan!  Susmiyoh!

At tungkol sa adhikain kuno ng grupo ninyo, gusto ninyong itaguyod ang kapakanan ng mga manggagawa ninyo at bigyan sila ng mga benepisyo tulad ng healthcare coverage?  Gusto ninyong mabigyan ng proteksyon sa kalayaan ng pamamahayag?  Gusto ninyong isalba ang kalidad ng pelikulang Pilipino?  Gusto ninyong masugpo ang piracy?

Puwes, hindi niyo kailangan ang Kongreso.  Ang kailangan niyo ay ayusin ang MISMONG INDUSTRIYA NIYO, at kahit anong tulong ng Kongreso, Senado, o sino pa mang Poncio Pilatong presidente kung kayo mismo hindi mag-aayos aba wala talagang pagbabagong magaganap!

Kausapin niyo ang mga producer niyo o kung sino mang pumopondo sa mga palabas at pelikula niyo.  Ipaayos niyo sa kanila ang bayad sa mga cameraman, PA, at iba pang mga trabahador.  Ipalabas niyo ang tunay na balita, at hindi yung mga balitang sinala para bumenta.  Tantanan niyo na ang paggawa ng mga pelikulang gasgas ang konsepto at kuwento, at bigyan ng break ang mga aktor at aktres na tunay na talentado, hindi 'yung mga artistang porke malaki ang suso ipapaharap niyo sa camera.  Aba, pano nga ba naman tataas ang kalidad ng mga pelikula kung niyan?  At gusto niyo ba talaga masugpo ang piracy?  Aba'y kausapin niyo ang nakaupo sa Optical Media Board na artista rin naman.

Subukan niyong mag-isip kahit konti, matutuklasan niyong ang mga problemang nais niyong lutasin sa inyong plataporma kuno ay kayo mismo ang may gawa at kayo rin ang makakaayos.  Hindi niyo kelangan pumasok (na naman) sa pulitika para magkalat.

Ang utak pakigamit pleeeeaaaase laaaaang! 

Hindi talaga kayo titigil hanggang hindi niyo nakukuha ang lahat noh?  Hindi pa kayo kuntento sa sangkaterbang kapritsong meron kayo?

Dapat sa inyo pinuputulan ng sungay para magtanda.

Ibang klase talaga ang tigas ng mukha niyo.  Taas ang kamay ko sa inyo.


Start at 00:20

Bong Revilla: Ah, doctor... Doctor Hayden Kho.
Hayden Kho: Yes sir.
Bong: Ahm... maliit ang showbiz.

Hayden: Yes sir.
Bong: Marami sa aking nakakapagkuwento na yung videos na kinukunan mo na iba't ibang babae ay pinapakita mo raw sa mga barkada mo.  Is this true?  You are under oath!
Hayden: Yes I am under oath sir.
Bong: Baka bigla kaming maglabas ng witness dito at sabihin ay {tu ron} totoo 'yon.  Mananagot ka.
Hayden: Sir, hindi ko po ito pinapakita kahit kayo sir.  At lahat po ng naririnig niyo sa media, kagaya na po ng... alam na po nating lahat 'yan.  Paminsan po may sinasabi tungkol sa atin, kahit po sa inyo may sinasabi tungkol sa inyo na hindi po totoo.  Minsan po may tumatayo pong witness na sinasabi totoo ito, na sinabi ko na ginawa ko ito, pero hindi po ito katotohanan.
Bong: Okay...

End at 01:15

What a lousy way to "defend" the showbiz sector!  Sa dami ng mga pulitikong artistang tulad ni Bong Revilla na puspusan ang pagsusulong sa interes ng showbiz kahit sa ilohikal na paraan, kelangan pa ba talaga ng party-list para sa mga taga-showbiz?  O baka sadyang ganun lang talaga kagahaman sa kapangyarihan itong mga lintik na artistang ito na pati ang sistema ng party-list ay kanilang gagamitin!?
4/9/2010 02:22:30 pm

cool ka lng bro, pag sikat talaga lumalaki na ang ulo kaya much better na hayaan na lng natin sila. Pero good thing gumawa ka ng ganito post para malaman ng iba natin kababayan mga kabulastugan n2 artista, sana wag na magpauto mga pinoy at baka artista ulit maging presidente natin

Reply
4/9/2010 05:41:46 pm

Hi there.

Naku, thanks for the reminder for me to cool down. Just thinking of how power-greedy these showbiz people are really makes me explode. I was literally trembling in anger while writing this article. The party-list system was made to give the marginalized sector a voice in the legislative branch of the government, and the idea of those showbiz people claiming to be "marginalized" really heats up my temper.

Anyway, you're right. Sana huwag na magpauto ang mga kababayan natin. We had more than enough of showbiz trapos.

Thanks again.

Reply
10/31/2010 06:01:51 pm

At New Year and always, may peace and love fill your heart, beauty fill your world, and contentment and joy fill your days

Reply
DARK
7/10/2011 08:29:09 pm

ERAP IS NOT A BOOK SO STOP JUDGING HIM !! AND MOST SPECIALLY YOU'RE NOT A JUDGE ! UR JUST A PATHETIC OPPORTUNIST !! !! WHO DO NOT KNOW HOW TO USE HIS OWN BRAIIIIIIIIINNN !!!!! IDIOT !!!!!! `~

Reply
DARK
7/10/2011 08:31:32 pm

YOUR LACK OF COLLEGE DEGREE WAS DUE TO YOUR !!!! IGNORANCE !!!!! ~TANGA !

Reply
DARK
7/10/2011 08:34:10 pm

U R PHYSICALLY REACTING BUT MENTALLY RETARDED!!!!!

Reply
lipunanSAkanto?
7/10/2011 08:38:11 pm

tama,ka dyan, sensible sya sa anumang kapintasan ng lipunan in the sense na nagseself pity sya, kase nangangailangan sya ng public recogniton wushuuu!

Reply



Leave a Reply.